Monday, October 20, 2008

repLAy..hindi kita eh!

haha..since pirs taym ko naman,,hayaan nyo muna kong ipakilala ang aking sarili..
neym ko..bgay ng makulit kong ate,,galing sa paborito nyang commercial sa t.v nuon..ung may kantang..”jennifer,jennifer,,nsan k..nsan k..??”
mas type ko n rin un kesa namaN ipangalan ako dun sa kambing na ksama sa commercial..hehe,,..at dhil sa ;pangalang un..umaapaw sa manika “jennifer” ang cabinet namen sa bhay..
>sya po ung manika na nka-apron..nka-trintas ang buhok at nka-cap pa..cute naman syang tingnan..kea nga lng kung i-rarate mu ngaun ang get-up nya..mas lamang ang pgkamukha nyang katulong..hehe,,pis!! gnun kc lge kong nkikitang costume ng mga yaya ni princess sarah,,pti nla ceddy..o kaya cna peter pan??!! meron nga bang yaya dun?!!
pero actually,,hndi dw tlaga un ang pangalang ibibigay nila sa akin..
akalain mu nga naman na muntik pang mgka-riot dito sa mbahay dhil lng sa pangalang ko..hay namaaaann..ibang level tlga ang byutim ko..wahaha..
>sb kc ni tita..ang tita kong seexxxxyy..(hayy,,sana mbasa nya to..pra may dagdag baon..hehe..) junefer daw ang iminungkahi nyang neym ko..dhil nga june ako ipinanganak…mega agree naman ang mudra koo..eun eh,,may kkampi pla,,
>unfortyunately..dehins umagree ang aking papasky..JINKY dw dpat neym ko..oha.oha..kmusta naman un..
>mhega suggest dn namn ang aking mga lola.,,kptbahays..ninongssss..ninangssssssss..frennnddsss..
buti na lng hindi nakisabat ang aso ng kpitbhay namen..
kaya bgo mgkrambulan ang lhat..umaawat ang aking makulit na ate..at nagbantang maglalayas kung hindi ako ipapangalan sa manikang nasa tv..
kaya heto..ako na nga si jennifer..!!!

etO uleT..

tangGap ko naMAn sa saRili ko na hindi taLaga ako kagalinGan paGadatiNg sa Ganito..
hIndi akO sIbilisaDonG taO na BihaSa sa mGa eskinita sa sistemang ito..
e ano kung friendster lang ang alam ko??..haha..
perO hiNdi naMan ako 'boBo'para hindi maging aware sa mga bagay na ganito at makisunod na rin,,hindi ako mahilig magtype sa keyboard at siguradong pagtatawanan nyo ko kapag nakatabi sa compshop habang soOooper nagmamadali sa pagtatype ng output ko..malamang itatanong nyo pa sa akin kung alam ko ba ang pinagkaiba ng typewriter sa computer keyboard..haha
at ganun nga..pero wag nyo naman ako pagtaasasn ng kilay at sabihang tamad dahil bagamat naniniwala ako sa kasabihang "mabuti ng tamad,hindi naman pagod"..banat naman ang mga buto-buto ko noh..ultimo ang kaliitliitang biyas ng katawan ko ay na-iistretch ..
mahiliG ako magsulat kaya nga parang luya na ang hintuturo ko sa kanang kamay..oo, nakakahiya man sa magiging jowa ko pero panget talaga kamay ko..huhu..
mahilig ako magsulat sa mga piraso ng papel..lalo na kung sinusumpong ako ng pagka-emotera ko..nakup..maski pambalot ng tinapa..lagOt ka!!! wahaha..luFet!!
feeling ko kase..
mag-isa lang ako kahit in reality..hindi naman
nandyan naman si tita..c udsz..at ang sooOOOOper uBeeeEEEr frenDss..
kaya lang mula ng mawala si papa..feeling ko wala nang nakakaintindi sa akin..
parang yung mga taong grasa sa kanto tuwing gabi, tahimik tapos biglang sisigaw..magwawala..iiyak..hahalakhak..perO walang nangangahas magtanong kung ano nga ba ang problema ni MR.GreasemaN..iniisip kase ng iba nag-iinarte lang siya..nagpapapansin..KSP..

..may nag-isip kaya na mahirap din mamobrelema kung paano kakamutin ang malagkit..dikit-dikit..at nilalangis na buhok nya.,
..na iniisip din nya kung magkakaroon pa ba siya ng lablayp
..kung may karton pa ba siyang matutulugan bukas ng gabi o baka inunahan na siya ng mga magbobote,,dahil sa hirap ng panahon ngayon maski ata kahon ng posporo kinukulekta na nila..

haYYyyy..MR.GREASEMAN

???nasan na nga ako..
aaAAahh..sa hilig ko sa pagsusulat,ayun nga mahilig ako mag-express ng sarili through writing..
in shoRt..DIARY..JOURNAL..TALAARAWAN..basta ganun.
ayos naman...gumagaan ang pakiramdam ko everytime naididiin ko yung dulo ng ballpen sa papel..nakadepende din sa ink ang mood ko..minsan red kapag intense ang emotion..blue kapag ordinary day lang..tipong isusulat ko lang for documentation..black kapag formal..green kapag pa-cute..pencil kapag nag-cocost cutting..haha,,kapag gray malamang nanlabo lang yung HBW na black..hayYyy,
simple lang din ang mga sinusulat ko..hindi ka duduguin sa pag-intindi..parang kwentuhang-tambay lang din..sa barberya..
ganun lang..simple,
eto na..tinatamad na naman ako mag-tayp..hayYYyy..paAlam muna..babusHHh!!

Wednesday, July 30, 2008

realizAtionssssss



hayyy..ang post na ito ay pawang pag-iinarte na lamang..pramissssss.

sa totoo lng,wala namang masysdo big deal dito..nagkataon kse na walang pasok kaya mega ratsa sa aking site na tinubuan na ata ng lumot sa sobrang tagal na hindi ko nakalkal,..kadalasan kse mas trip kong magbasa na lng ng mga post ng iba..mki-chismaxx ba?!..nkaka-amuse kase ang mga kwento nila..nkkaaliw..

at dahil sa wala naman ng-buview sa akin..hindi naman kalabisan na ndi ko mxado i-update ang ad na itetch..

nyweiz..since pag-iinarte lng naman ang concept ng entry na ito..magsisimula na ako..these past few days kase,,napurga ang aking kautakan sa mga samu't saring isipin..hindi naman sa schizo ako at nsa in-denial stage ng pagiging lukring..pero bothered kase ako sa isang tao..opo..nilalang po siya ..

masyado kase syang mabaet sa akin..kung anu2 tuloy ang pumapasok sa utak ko..ngpapaka-assuming ba..at ayoko ng ganun..

isa na naman itong pagkakamali..kaya halos hilahin ko na palayo sa kanya ang sarili..tama na ung minsan nkasama ko sya..sabay kaming tumawa..nagpaka-emo..kumain at dumighay..hehe,,parehas na matakaw e..

unfair na magalit at magtampo pa ako sa kanya..dahil ni minsan wala syng sinabi o pinangako man lng..ako lng to..issue ko lng itetch sa aking sarili na mahirap pagsabihan..

ilang beses na kase itong nangyari sa akin..not only once..

at masakit isipin na hindi pa ko natuto..

"repeated experiences only teaches us one thing...

the lesson we always refused to learn."

aaaaaaaaahh..oo nga namn..ilang beses pa nga ba dapat mangyari ito sa akin para matutuhan kong rendahan ang sarili ko pagdating sa korning pamamaraan ng pag-ibig..

ganiTo na Tlaga ako eh.,masyado akong mababaw..simple gestures can me feel super special..super hapi..and eventually..make me fall

ganun lng ako..wala echosSSS..walang chuBAH..

kung gaano kabilis tumawa.. magmahal..

gnun din kabilis masaktan..umiyak..

isa lang naman angg hindi mabilis gawin..ang makalimot..

kaya nga nandito ako, umaasa na pagtapos ng entry na ito..sana matapos na rin ang mga senTi moments ko..ang feeling na pilit kong tinatapos..

bakit dapat tapusin??

dahil ayokong sirain ang anumang meron kmi ngaun..dahil nga sa mababaw ako..un lang kuntento na ako.

Thursday, June 12, 2008

saNa uMabot pA..

malapit na naman ang pader's day..nasanay na ako na tuwing dadating ang araw na ýon..maghahanda kmi ng special something para kay papa..khit nga gusot-gusot ng papel ay nagagawan pa ng paraan para ma-make over at maging espesyal na sulat para kay papa..

nakakalungkot nga lang dahil halos dalawang taon na akong hindi nakakagawa non para sa kanya..wala na kase sýa..
pero bago siya mawala, nagkaroon ako ng pagkakataon na makagawa ng sulat para sa kanya..kaya lang hindi sa gusot-gusot na papel ko 'yon naisulat...sa diary ko nailagay wala naman kase akong balak na ipabasa pa iyon sa kanya, masyado kaseng madrama,tsaka masyado pang malayo ang pader's day dahil november pa lng naman..
eto yon..

Papa,
mahal na mahal ka po namin..a thank you is not enough to tell you how thankfull and proud we are as your daughters..
napakadami na po natin napagdaanan..
kaya natin 'to,basta sama-sama lang tayo..
pramis,,hinding-hindi ka po namin iiwan..
balewala po ang DVD,VCD o plasma TV..kahit ang isang malaking bahay sa gitna ng isang exclusive village..kung wala ka naman po sa tabi namin..
papa,
wag nýo po panghinayangan ang mga bagay na wala na..
ang mahalaga..
sama-sama pa rin tayong kumakain ng pandesal sa umaga..
masaya pa rin tayong nagpapaalaman sa tuwing hinahatid mo kami sa sakayan..
tabi-tabi pa rin tayong nanunuod sa di-pukpok na TV..sabay-sabay na tatawa..kakanta..o iiyak sa bagong episode ng MMK..
natutulog at nagigising ng sama-sama..
papa..
hindi ang ulam na nakahain,
hindi kung gaano kahaba ang resibo ng pinamili sa SM
o ang uri ng bahay meron tayo..
ang dahilan kung bakit kami matapang at nakangiti naming hinaharap ang bawat, umaga..
kundi ang isiping may tatay kami na matiyagang naghahatid sa sakayan tuwing umaga.. nag-uuwi ng pritong leeg ng manok at pandesal mula sa kanto tuwing gabi..tatay na handang magtiis ng gutom may maitabi lang para sa baon at pambili ng dalawang kilong bigas..
isang tatay na handang unawain ang kahinaan ng kanyang anak..ang tatay na handang ibaba ang sarili sa level nila bentong para mapagbigyan lang ang kakulitan ng kanyang mga anak..ang tatay na alumpihit sa pagtulog kapag may sakit o ginabi ng uwi ang kanyang anak..ang tatay na walang takot na hinaharap ang mga pagsubokng buhay..
..isang tatay na tulad mo..
papa, mahal po kita!
ito ang eksaktong sulat ko para sa kanya na dahil sa hindi na nga umaabot..
minabuti ko lang basahin nung libing nýa..kasabay ng pagdaloy ng emosyon ng bawat nakipaglibing..malamang nakarelate rin sila..
para sa mga tatay..papa..daddy..dada..o PAPASKY!!
hapi pader''s day po!!

Wednesday, June 11, 2008

kawawang bata..

..super aliw na aliw ako sa kakapanuod ng wowowee khapon ng biglang ng-commercial
hindi ko naman talaga papansinin sana at ililipat na lng sa ibang channel ng biglang my soft background music na nag-play..at ipinakita ang mukha ng naluluha..malungkot at kaawa-awang inang...BABOy..
opo,baboy po siya..
isang abang na baboy na mawawalay sa kanyang mga pinakamamahal na biik..
mga biik na dahil sa bagong feeds na pinopromote ng commercial na yon ay hindi na maninibago ang tyan..hindi na magtatae
..hindi na magkakasakit
..hindi na malulungkot..
naisip ko tuloy..buti pa ang baboy nalulungkot kapag nawawalay sa mga biik nya..ang mga pusang napapaos sa kaka-miyaw..nagbabaka sakaling marinig siya ng mga iniligaw na kuting..o ng mga asong nag-aala lobo sa kakahanap sa mga tuta nya..

khit sbi ng teacher ko sa socio.. na language is exclusively for man..
napaisip pa rin ako na kung nakakapagsalita man ang mga hayop..panigurado magwewelga sila para itaas ang sahod nila..o para damihan ang pagkain..at lalo na..huwag ilayo sa kanila ang kanilang mga pinakamamahal na anak..

sa mga news na napapanuod at nababasa ko..karaniwan na ang mga batang iniwan sa basurahan..na mas pinasosyal pa ng mga telenovela ngaun..mga bidang iniwan sa labas ng simbahan..ipinagbili..ipinaampon..tapos biglang sisingit ang saying na "mothers know best"

..hindi naman sa bitter ang kapalaran ng aking pamilya..at naging masaklap ang bonding namin ni mama..huhu,

malungkot lang kase..na ordinaryong araw lang ang bawat mother's day na lumilipas...na matagal-tagal ko na ring hindi nabibigkas ang salitang "mama"..na hindi ako makarelate sa mga movie na "Anak".."Caregiver"..o sa mga episodes ng MMk..

nakakalungkot na sa tagal ng pagkakawalay namin...
hindi ko man lang m-feel na gusto pa nya kaming makasama..
na miss nya rin kme..
na hindi rin sya maka-relate sa mga episodes ng MMK..

hay..kung ang baboy nga..naluluha..si mama kaya??!!

Saturday, June 7, 2008

introduction ng kwento ko..

hayyyy..eto n nman ako..
atat n magkukwento ng mga bagay-bagay sa utak ko..
masaya akong nssbi ang mga nsa isip ko..sbihin nyo ng KSP ako..pero trip ko kayong i-update sa mga issue ng aking mdramang buhay..

nakss.prang MMk lng,,

hehe,,
hindi naman tlga 'to seryoso eh..trip ko lng gawing makapagbagbag damdamin pra may drama factor..hehe

..masaya akong nasasabi ang mhga nsa isip ko,,khit nga madalas p nilang sbhin n wala daw yong sense..pero khit na..gusto ko p din..hehe..
nkka-high kase ang feeling..
pra kang nsa tuktok ng mga building at billboard sa EDsa..malayang naisisigaw ang mga damdaming nagkukubli sa mga tikom kong mga labi..malaya kong naibubulas anuman ang nais ko..MALAYA..walang pakialam sa mga taong bali na ang leeg sa kktingala sa akin sa tuktok ng billboard..walang pakialam kung ano ang itsura ko sa mga tabloid kinabukasan..walang pakialam kung baliw man ang tingin sa akin ng mga tao..

kelangan ko kahse ng kausap..pero mukhang walang gustong pumatol sa aking mga sentimyento..mga issue ko sa buhay..mga k-dramahan n oo nga walang kwenta..pero lubos n ngpaparusa s aking kalooban..sa aking pagkatao..

..oo,ang mga walang saysay na kwentong ýon ang nangungulit at nanghaharot s utak ko..

haha..since pirs taym ko naman,,hayaan nyo muna kong ipakilala ang aking sarili..
neym ko..bgay ng makulit kong ate,,galing sa paborito nyang commercial sa t.v nuon..
ung may kantang..”jennifer,jennifer,,nsan k..nsan k..??”

mas type ko n rin un kesa namaN ipangalan ako dun sa kambing na ksama sa commercial..hehe,,
..at dhil sa ;pangalang un..umaapaw sa manika “jennifer” ang cabinet namen sa bhay..

>sya po ung manika na nka-apron..nka-trintas ang buhok at nka-cap pa..cute naman syang tingnan..kea nga lng kung i-rarate mu ngaun ang get-up nya..mas lamang ang pgkamukha nyang katulong..hehe,,pis!! gnun kc lge kong nkikitang costume ng mga yaya ni princess sarah,,pti nla ceddy..o kaya cna peter pan??!! meron nga bang yaya dun?!!

pero actually,,hndi dw tlaga un ang pangalang ibibigay nila sa akin..

akalain mu nga naman na muntik pang mgka-riot dito sa mbahay dhil lng sa pangalang ko..hay namaaaann..ibang level tlga ang byutim ko..wahaha..

>sb kc ni tita..ang tita kong seexxxxyy..(hayy,,sana mbasa nya to..pra may dagdag baon..hehe..) junefer daw ang iminungkahi nyang neym ko..dhil nga june ako ipinanganak…
mega agree naman ang mudra koo..eun eh,,may kkampi pla,,

>unfortyunately..dehins umagree ang aking papasky..JINKY dw dpat neym ko..oha.oha..kmusta naman un..

>mhega suggest dn namn ang aking mga lola.,,kptbahays..ninongssss..ninangssssssss..frennnddsss..

buti na lng hindi nakisabat ang aso ng kpitbhay namen..

kaya bgo mgkrambulan ang lhat..umaawat ang aking makulit na ate..at nagbantang maglalayas kung hindi ako ipapangalan sa manikang nasa tv..

kaya heto..ako na nga si jennifer..!!!